Saturday, December 10, 2016

Pangulong Duterte buo parin ang tiwala kay Tugade


Nitong Sabado tiniyak ng MalacaƱang na lubos pa rin ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Transportation Secretary Arthur Tugade makaraang hilingin ng isang grupo na magbitiw ito sa puwesto matapos na iugnay sa gambling tycoon na si Jack Lam.
"Tugade, as a presidential appointee, enjoys the trust and confidence of the President. With barely a few months and he is really doing his best naman po,” ayon kay Presidential Communications Office Assistant Secretary Ana Maria Paz Banaag sa panayam ng dzRB radio.
Ang pahayag ni Paz ay kaugnay sa mga panawagan na dapat nang magbitiw si Tugade dahil sa umano'y koneksyon nito sa Chinese gambling tycoon na si Lam.
Kamakailan lang ay iniutos ni Pangulong Duterte na arestuhin si Lam dahil sa alegasyon ng panunuhol sa opisyal ng pamahalaan at economic sabotage.